Livelihood seeding program ng DTI, nagpapatuloy sa Marinduque

BOAC, Marinduque — Sa panimula ng buwan ngayong taon, nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng livelihood kits para sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSME’s) sa lalawigan ng Marinduque.

Ang programang ito ay bahagi ng Livelihood Seeding Program-Negosyo Serbisyo sa Barangay (LSP-NSB) na inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI) katuwang ang lokal na pamahalaan.

Base sa talaan ng DTI-Marinduque, umabot na sa 27 benepisyaryo ang nakatanggap sa bayan ng Boac at 45 naman bilang kabuuan sa bayan ng Buenavista, Santa Cruz at Gasan.

Bukod dito, 48 na benepisyaryo mula sa munisipalidad ng Boac at Torrijos ang napagkalooban ng kaparehong programa.

Layon ng gawain na magbahagi ng livelihood kits na naglalaman ng mga item na maaaring makatulong sa mga kwalipikadong apektadong indibidwal na maibalik at mapabuti ang kanilang mga negosyo sakaling magkaroon ng mga sakuna tulad ng natural at human-induced calamities kabilang ang nararanasang krisis dulot ng kasalukuyang umiiral na pandemya. — Marinduquenews.com

Eleazar N. Selda, Jr.

Related posts