Limitadong face-to-face classes sa Marinduque, nagsimula na ngayong Lunes

BOAC, MARINDUQUE — Aabot sa 1,403 ang inaasahang bilang ng mga mag-aaral na magbabalik-eskwela sa Marinduque matapos aprubahan ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na may mababang bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa isang press conceference na inorganisa ng Department of Education (DepEd), ipinahayag ni Dr. Nicolas T. Capulong, regional director ng DepEd-Mimaropa na nakatakda nang mag-umpisa ang limitadong face-to-face classes sa 23 piling paaralan sa probinsya ngayong Lunes, Pebrero 21. Ito ay matapos pumasa ang walong elementary school at 15 national high…