Mga senior citizen sa Mogpog, tumanggap ng food packs

MOGPOG, Marinduque — Aabot sa 4,670 senior citizen mula sa 37 barangay sa bayan ng Mogpog ang nabigyan ng food packs ng pamahalaang panlalawigan.

Ayon kay Gov. Presbitero Velasco, Jr., patuloy na palalakasin ng provincial government ang mga programa at serbisyong angkop sa mga matatanda.

“Patuloy po nating kakalingain ang mga lolo at lola na walang katumbas ang pagmamahal at pag-aaruga na ibinigay sa ating pamilya noong sila ay malalakas pa,” ani Velasco.

Kabilang sa laman ng food packs ay gatas, bigas, face mask, face shield, at ilang mga healthy food items.

Pinaalalahanan naman ng gobernador ang mga senior citizen na palaging ingatan ang sarili, kumain ng masusustansyang pagkain, magpabakuna laban sa COVID-19, mag-ehersisyo at kung maaari ay iwasan ang stress upang lalo pang humaba ang kanilang mga buhay. — Marinduquenews.com

Related posts