2 araw na seminar sa paghabi ng nito, isinagawa sa Gasan

GASAN, Marinduque (PIA) — Isinagawa sa bayan ng Gasan, partikular sa barangay Tapuyan ang dalawang araw na skills training sa paghihikit o paghahabi gamit ang nito.

Ang naturang aktibidad ay inilunsad ng Department of Trade and Industry (DTI)-Negosyo Center ng Gasan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Tapuyan katuwang ang Tito Nito na naglalayong madagdagan pa ang mga maghahabi ng nito sa lugar lalo’t higit para magkaroon ng karagdagang mapagkakitaan ang mga mamamayan.

Ayon sa DTI-Marinduque, 15 indibidwal mula sa Tapuyan at karatig barangay na Cabugao ang lumahok sa nasabing nito weaving.

Bukod dito, matapos ang demostrasyon at pagsasanay sa unang araw ay matagumpay na nakagawa ng ‘finish product’ ang mga dumalo kagaya ng nito tissue holder at nito pot o planter.

Sa ikalawang araw ng seminar ay nakatanggap naman ang mga kalahok ng sertipiko ng partisipasyon bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikiisa sa naturang gawain. (RAMJR/PIA MIMAROPA)

Related posts