Digital Literacy Training, isinagawa ng DICT sa Maniwaya Island

SANTA CRUZ, Marinduque — Nagsagawa ng dalawang araw na Digital Literacy Training ang Department of Information and Communication Technology (DICT) Luzon Cluster 3-Marinduque sa isla ng Maniwaya, bayan ng Santa Cruz kamakailan.

Kabilang sa mga paksang tinalakay ay ang Cyber-Awareness, Productivity Tools at Fundamentals of Photography.

Ayon sa DICT Luzon Cluster 3-Marinduque, mas naging interesado ang mga kalahok hinggil sa topic na may kaugnayan sa Basic of Photography kung saan mas magagamit aniya nila ang kanilang matutunan sa naturang paksa dahil ang Barangay Maniwaya ay isang isla na itinuturing na ‘tourism destination’ ng probinsya.

“Hindi hadlang ang distansya sa paghahatid ng iba’t ibang pangangailangang pang teknolohiya, edukasyon at kabuhayan sa paghubog ng kinabukasan at kasanayan ng mga kabataan sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya”, anang kinatawan ng ahensya.

Ang gawain ay dinaluhan ng mga mag-aaral at out-of-school youth sa naturang barangay. — Marinduquenews.com

Related posts