Nakamit ng Marinduque State College ang isang pinakaprestihiyosong karangalan matapos igawad ng Philippine Quality Award (PQA) ang Recognition for Commitment to Quality Management o Level 1 sa ginanap na ika-24 na Assessment Cycle Conferment Ceremony kamakailan.
Month: April 2022
Kauna-unahang solo parent federation sa Marinduque, itinatag sa Buenavista
Bumuo ng pederasyon ang mga solo parent mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng Marinduque sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Buenavista.
Ikalawang batch ng theoretical driving training, umarangkada sa Marinduque
Tinatayang umabot sa 600 katao ang dumalo sa ikalawang batch ng libreng pagsasanay hinggil sa ‘Theoretical Driving Course para sa mga residente ng District 2 na binubuo ng bayan ng Santa Cruz, Torrijos at Buenavista.
Marinduque MSME’s kumita ng kalahating milyon sa Panagbenga Festival
Kumita ng humigit kalahating milyong piso ang mga micro small medium enterprises (MSME) ng Marinduque na nakiisa sa 2022 Panagbenga Festival na idinaos sa Session Road, Baguio City kamakailan.
P5,000 dagdag honararium ng mga BHW sa Marinduque, inirekomenda
Pormal na inirekomenda ni Gov. Presbitero Velasco Jr. sa Sangguniang Panlalawigan (SP) na dagdagan ng P5,000 ang ‘honararium’ ng mga barangay health worker (BHW) sa buong probinsya.