Mga mag-aaral ng MNHS nanguna sa pagtatanim ng puno sa Boac

BOAC, Marinduque — Pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa Marinduque National High School (MNHS) ang tree planting activity na isinagawa sa Barangay Bantay, Boac kamakailan.

Ang nag-organisa ng nasabing gawain ay mga Grade 12 students ng MNHS na kasalukuyang kumukuha ng academic strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS).

Ayon kay Jessica Semilla, coordinator at guro ng HUMSS, ang aktibidad ay bahagi ng work immersion program ng mga mag-aaral.

“Climate change is really an issue. Therefore, we would like to instill to the students’ mind that their initiative will really be a big help to mitigate the worse effect of climate change, (Ang pagbabago ng klima ay isang mahalagang usapin. Kaya naman, nais naming ikintal sa isipan ng mga mag-aaral na ang kanilang inisyatiba ay magbibigay-tulong para maiwasan ang malubha at masamang epekto ng climate change,” ani Semilla.

Dagdag pa ng guro, ang kanilang ginawa ay isang pamamaraan sa pagpapalaganap ng kamalayan at impluwensya sa iba pang mga kabataan at mag-aaral na kung magsasama-sama ay makapag-aambag ng malaking kontribusyon sa pangangalaga ng inang kalikasan.

Umabot sa 50 puno ng narra ang naitanim ng mga estudyante. — Marinduquenews.com

Related posts