Gov. Mandanas, humiling ng dasal para kay Former Congw. Gina Reyes

BOAC, Marinduque — Humiling ng panalangin sa publiko si Batangas Gov. Hermilando Mandanas para sa tuluyang pagaling ni dating Marinduque Rep. Gina Reyes.

“Hiling ko ay ipagpatuloy natin ang taimtim na panalangin sa lubusang pagaling ni Ate Gina”, bahagi ng Facebook post ni Mandanas.

Ayon sa FB post ng gobernador, pinutol ang kanang paa mula sa hita ni Reyes upang hindi kumalat sa buong katawan ang mabagsik na impeksyon na tumama sa dating kongresista.

Bumaba aniya ang immune system ni Reyes dahil sa matinding pagod, hindi makatulog at makakain dala ng stress sa pangangampanya.

Si Gina Reyes ay kasalukuyang kumakandidato bilang unang nominado ng AnaKalusugan Party-list.

Nagpahayag din ng panalangin ang AnaKalusugan Party-list para kay Reyes.

“We pray for Ate Gina who will always fight the good fight and never give up. We commend to you Ate Gina’s health and recovery,” bahagi ng post sa Facebook.

Sa ngayon aniya ay ligtas at nagpapagaling na si Reyes. — Marinduquenews.com

Marinduque News

Related posts