DTI, nagsagawa ng logo making contest sa MSC

BOAC, Marinduque — Pinangunahan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento ng Marinduque State College (MSC) ang katatapos lamang na ‘Logo Making Contest for Local Products’ na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI)-Marinduque-Negosyo Center-MSC.

Ayon kay Almira Reina Rosario Fatalla, Trade and Industry Development Analyst ng DTI -Marinduque, layunin ng gawain na tulungan ang mga micro small and medium enterprises (MSME) na makagawa at magkaroon ng sarili nilang logo na maaaring magmula sa likha ng mga mag-aaral.

“Gusto po nating matulungan na mapalakas ang pagiging malikhain ng mga estudyante sa pamamagitan ng paggawa ng logo na pwedeng magamit ng mga MSME para sa kani-kanilang mga negosyo partikular ang mga nasa food and non-food industries,” ani Fatalla.

Dahil dito ay mabibigyan din aniya ng tamang ideya ang mga negosyante sa kung ano ang magandang logo na akma para sa kanilang mga itinayong negosyo.

Nagpasalamat naman ang ahensya sa mga mag-aaral lalo na kay Dr. Merryrose Palma, Associate Dean ng MSC-College of Accountancy, Business and Governance na nagbigay ng inspirational message sa mga nakiisa sa naturang gawain. — Marinduquenews.com

Related posts