Collaborative Prov’l Agri and Fisheries Extension Programs, isinagawa sa Marinduque

BOAC, Marinduque — Isinagawa ng Department of Agriculture (DA) ang ‘mapping out’ ng Collaborative Provincial Agriculture and Fisheries Extension Programs (CPAFEP) sa lalawigan ng Marinduque, kamakailan.

Ayon sa DA, ito ang huling phase para sa implementasyon ng Provincial Agriculture and Fishery Extension System (PAFES).

Dagdag ng ahensya, ang CPAFEP ang magiging basehan sa gagawing Memorandum of Agreement para sa co-sharing o co-funding kasama ang partner agencies at iba pang stakeholders. Dito ay masusing pinagplanuhan ng iba’t ibang ahensiya ang mga programa at proyektong makatutulong sa pag-ulad ng lalawigan.

Sa seminar ay tinalakay ni Dr. Rex. L. Navarro, Technical Working Group Member ng PAFES Coalition Agriculture Modernization sa Pilipinas mula sa DA Central Office ang pagtatag ng PAFES at pagtataguyod ng CPAFEP.

Ginabayan din ni Navarro ang grupo sa pagsasaayos ng datos at proseso ng mapping out ng CPAFEF. Binigyang diin n’ya rin ang kahalagahan ng PCIP bilang pangunahing basehan sa pagbuo ng CPAFEF.

Ilan sa agri-fishery commodities na kinilala ng probinsya para sa CPAFEP ay ang rice, corn, saba banana, vegetables (pakbet) at ang aprubadong commodities sa Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) ng Philippine Rural Development Plan (PRDP), ang arrowroot, swine at coconut.

Ang dalawang araw na aktibidad ay pinangunahan ng DA-Mimaropa kasama ang Provincial Local Government Unit, Agricultural Training Institute, anim na local government units, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Irrigation System, Cooperative Development Authority, Department of Trade and Industry at Philippine Coconut Authority. — Marinduquenews.com

Related posts