Lalaki tinaga, patay sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque — Agad na binawian ng buhay ang isang lalaki matapos na tagain sa Barangay Baliis bayan ng Santa Cruz.

Kinilala ang biktima na si Chrisanto Lazo, 61 anyos habang ang suspek ay pinangalanang si Erlando Par, 53 anyos pawang residente ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas 9:00 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 5 habang dumadalo sa isang birthday party ay nagkasagutan umano sina Lazo at Par na humantong sa mainit na pagtatalo.

Kinamaya-mayaan, nagtungo sa kanilang bahay ang suspek subalit pagbalik ay may dala na itong itak.

Tinaga sa leeg ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad dala ang itak na ginamit sa pananaga. Kasulukuyan itong nasa kustodiya ng Santa Cruz Municipal Police Station. — Marinduquenews.com

Related posts