Lalaki sa Boac patay, kasintahan sugatan

BOAC, Marinduque (UPDATED) — Patay ang isang lalaki habang sugatan ang kasintahan nito matapos saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Ihatub, Boac, Marinduque.

Kinilala ang mga biktima na si John Patrick Santos, 21-anyos at ang girlfriend nito na si Alyas Lea 17-anyos, residente ng Barangay Balagasan ng naturang bayan.

Base sa impormasyong ibinahagi ng Boac Municipal Police Station, bandang ala-1:40 ng madaling araw nitong Biyernes, habang nagka-camping umano ang magkasintahan sa tabing dagat na sakop ng Barangay Ihatub, biglang may pumasok na isang lalaki sa loob ng kanilang tent.

Doon ay pinagsasaksak ng suspek si Santos na nakapagtamo ng mahigit 10 saksak sa katawan habang nakatakas naman si Alyas Lea na naisugod pa sa Marinduque Provincial Hospital na nakapagtamo rin ng maraming sugat sa leeg.

Ginahasa rin umano ng suspek ang dalagita.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad. — Marinduquenews.com

Related posts