Guro sa Marinduque, gumuguhit ng portraits ng mga estudyante

Hinangaan ng mga netizen ang isang guro mula sa Torrijos, Marinduque dahil sa kakaibang regalo na ibinigay sa kanyang mga magtatapos na mag-aaral. Bagama’t halos ubos ang oras sa paghahanda ng lesson plan at karampot na perang natitira mula sa sweldo sa pagtuturo, nakuha pang gumuhit ng portrait ni Teacher Hermelyn Pimentel para sa kanyang mga estudyante. “Pangarap ko po kasi talagang maging teacher. Pero ‘yung pagguguhit, nasa puso ko talaga. Kaya dinala ko ‘yun hanggang sa pagtuturo. Doon ko naisipang mag-drawing ng portraits ng mga bata at ibigay ‘yun…