25 paaralan sa Marinduque, tumanggap ng mga gamit-pangsaka

BOAC, Marinduque — Tumanggap ng mga kagamitang pangsaka mula sa Department of Agriculture (DA) ang 25 pampublikong paaralan sa lalawigan ng Marinduque, kamakailan.

Ayon kay Dr. Lucila Vasquez, Agricultural Program Coordinating Officer ng DA-Marinduque, nais ng kanilang ahensya na isulong ang seguridad ng pagkain sa mga komunidad sa pamamagitan ng kanilang programang ‘Gulayan sa Paaralan’.

Aniya, sa 25 pampublikong paaralan sa probinsya na kanilang nabigyan ng gamit pang-agrikultura, anim dito ang sekondarya habang 19 ang elementarya.

Kabilang sa mga ipinagkaloob na kagamitan ay 75 piraso na hand cultivator, 75 piraso na plastic torwel, tig-50 piraso ng sprinkler, hand sprayer, pala, kalaykay at asarol na may kabuuang halaga na ₱128,250.
Sa 25 pampublikong paaralan sa Marinduque na nabigyan ng mga gamit pangsaka ng Department of Agriculture, anim dito ang sekondarya habang 19 ang elementarya. (Larawan mula sa Marinduque Provincial Government)

Nagmula ang pondo nito sa ilalim ng High Value Commercial Crops Development Program o HVCDP na isa sa mga pangunahing programa ng Kagawaran ng Agrikultura. — Marinduquenews.com

Related posts