Buenavista RHU, pinalakas ang kampanya kontra dengue

BUENAVISTA, Marinduque — Lalo pang pinaigting ng pamahalaang bayan ng Buenavista ang kanilang kampanya kontra-dengue.

Sa pulong na isinagawa kamakailan na inorganisa ng Buenavista Rural Health Unit, sa pangunguna ni Majalalel M. Israel, Rural Sanitary Inspector na dinaluhan ng mga kapitan at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at opisina ng lokal na pamahalaan, pinag-usapan ang mga nararapat gawin para mapigilan ang pagdami ng kaso ng dengue sa kanilang bayan.

Nakatakdang gawin ang pagsuyod at pagsira sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok, partikular sa mga barangay na napaulat na may pagtaas ng kaso, gayundin ang patuloy na pagpapaalala sa mga mamamayan hinggil sa ‘4S kontra dengue’.

Una rito ay nagsagawa na ng fogging at misting operation sa mga barangay ng Bicas Bicas, Daykitin at Bagtingon kasama na ang ilang mga paaralan kagaya ng Barangay Uno at Buenavista Central School.
Sinimulan na ng pamahalaang bayan ng Buenavista ang fogging at misting operation partikular sa mga barangay na napaulat na may pagtaas ng kaso ng dengue. (Larawan mula sa PDOHO-Marinduque)

Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, isa ang bayan ng Buenavista sa may pinakamataas na kaso ng dengue sa Marinduque kung saan 62 ang naitala dito mula sa 204 na kabuuang kaso sa buong probinsya. — Marinduquenews.com

Related posts