Line clearing operation ng Marelco, nagpapatuloy

BOAC, Marinduque — Tuluy-tuloy ang ginagawang line clearing operation ng Marinduque Electric Cooperative o Marelco.

Base sa ibinahaging kalatas ng Marelco, muling aarangkada ang line clearing team patungo sa mga barangay na sakop ng kanilang operasyon tulad ng Tigwi, Malibago, at Talawan sa bayan ng Torrijos kung saan ay kasamang maaapektuhan ang Barangay Tambunan sa Boac at mga Barangay ng Sihi at Timbo sa Buenavista.

Dahil sa clearing operation, inaasahan ang pagkawala ng suplay ng kuryente sa mga nabanggit na lugar hanggang sa araw ng Sabado, Agosto 27.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang Marelco sa mga may-ari ng lupa sa Barangay Matandang Gasan sa pakikipagtulungan na maputol at maalis ang mga puno sa kanilang lugar para hindi na magdulot pa ng pagkawala ng daloy ng kuryente sa buong probinsya. — Marinduquenews.com

Related posts