2 estudyante ng MSC, nagsauli ng napulot na wallet

GASAN, Marinduque — Agad na nagtungo ang dalawang estudyante ng Marinduque State College (MSC) sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Gasan upang i-turnover ang kanilang napulot na wallet, kamakailan.

Naglalaman ito ng pera, mahahalagang dokumento, at mga identification cards na naging daan upang mapabilis ang pagkilala sa tunay na may-ari ng pitaka.

Naibalik naman agad sa may-ari na si Jessa Mae Frayre residente ng Barangay Bognuyan, Gasan ang naturang wallet.

Samantala, binigyang papuri ng kapulisan ang katapatan ng dalawang mag-aaral na sina Pearly Joy Sagudo at Arabella Enriquez na pawang mga residente ng Barangay Matandang Gasan.

Ipinaalala naman ng pulisya na maging alisto ang publiko sa kanilang mga kagamitan at hinihikayat din nilang pumunta sa pinakamalapit na pulisya ang sinumang nawawalan ng gamit o maaring makakita ng katulad nito. — Marinduquenews.com

Rjay N. Montenegro
Latest posts by Rjay N. Montenegro (see all)

Related posts