SK sa Mogpog, may libreng print sa mga mag-aaral

MOGPOG, Marinduque — Inilunsad ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Ino sa bayan ng Mogpog ang serbisyong ‘Educational Service: Libreng Print para sa mga Kabataang Mag-aaral’.

Pinangunahan ni SK Chairperson Sherwin Malinao ang proyekto na naglalayong makatulong sa mga mag-aaral ng elementarya hanggang kolehiyo sa kanilang barangay.

Ayon kay Malinao, maaaring mag-iprinta sa kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon. Kinakailangan lamang na magdala ng student ID para maka-avail ng libreng print.

“Layunin ng proyektong ito na mabigyan ng libreng serbisyo ang Katipunan ng Kabataan pagdating sa edukasyon, dahil sa proyektong ito mas matutulungan ng Sangguniang Kabataan ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral at mabawasan ang kanilang mga gastusin,” dagdag ng SK chairperson.

Ang nasabing inisyatibo ay nakapailalim sa programang Equitable Access to Quality Education na may pondong ₱35,000 mula sa 2022 SK Supplemental Budget. — Marinduquenews.com

Rjay N. Montenegro
Latest posts by Rjay N. Montenegro (see all)

Related posts