Bagong MNN kabarkada, malapit nang makilala

Ilang tulog na lamang at inyo nang makikilala ang bagong kabahagi ng lumalaki naming pamilya!

Matapos ang mahabang pag-uusap at paghihintay, handa na ang buong pwersa ng Marinduque News Network sa pagtanggap sa DJ na magpapasaya ng inyong hapon at magpapahayag ng mga napapanahong balita mula sa puso ng Pilipinas.

Ang disc jockey na minsan ng bumihag sa inyong mga damdamin dahil sa kanyang kwelang awra at tagos sa pusong mga payo.

Matutunghayan ang bago nating Kabarkada sa bago n’yang programa simula Nobyembre 4. Ito ay sabay na sasahimpapawid online at on-TV tuwing araw ng Martes, Miyerkules at Huwebes, alas-3:00 hanggang alas 4:00 ng hapon sa Lucky 7 Channel 3, MNN Facebook at YouTube.

“Kami ay nagagalak sa pagdating ng bago nating makakasama sa paghahatid ng mga napapanahon at komprehensibong balita tungkol sa ating probinsya. Tiyak na maglelevel-up ang mga serbisyong maibibigay natin sa ating mga subscriber, follower at supporter,” masayang pahayag ni Adrian Rosales, ang managing director ng MNN. — Marinduquenews.com

Related posts