Pork embutido, pepperoni nakumpiska sa Balanacan port

MOGPOG, Marinduque — Aabot sa 40 kilo ng mga processed assorted meat ang nakumpiska ng mga kinatawan ng Provincial Veterinary Office sa Balanacan Port, Mogpog nitong Martes, Oktubre 25.

Ayon kay Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian nasamsam sa Animal Quarantine Checkpoint ng mga opisyal ng Veterinary Quarantine Services ang 16 na kilo ng pork embutido at 24 kilo ng pepperoni.

Ang nasabing mga processed meat products ay nakatakda sanang ipasok sa probinsya.

Base sa Executive Order No. 16 na inilabas ng pamahalaang panlalawigan noong Setyembre 4, 2019 mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa Marinduque ng buhay na baboy o anumang karne nito upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF.

Samantala, agad susunugin ang mga nakumpiskang produkto sa isang animal disposal pit ng lalawigan. — Marinduquenews.com

Related posts