Mahigit 300 bata, nakisaya sa Halloween Trick or Treat sa Marinduque

BOAC, Marinduque — Nasa 300 na mga bata ang nakilahok at nakisaya sa ginanap na Halloween Trick or Treat sa Provincial Capitol Compound, kamakailan.

Ang gawain na inorganisa ng Provincial Human Resources Management Office ay itinaon sa pag-uuumpisa ng pagdiriwang ng National Children’s Month.

Ayon kay Gov. Presbitero Velasco Jr, nais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque na bigyang diin ang pagpapahalaga at pagtataguyod sa karapatan ng bawat bata.

Lahat ng mga tanggapan sa kapitolyo ay nilagyan ng mga palamuting may kaugnayan sa paggunita sa Undas kungsaan ay isa-isa itong binisita ng mga batang nakasuot ng iba’t ibang halloween costume.

Naghanda rin ng mga kendi, tsokalate at mga palaro ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan para mas mapasaya ang araw ng mga kabataan. — Marinduquenews.com

Related posts