Mga kababaihan sa Marinduque, tumanggap ng P5,000 loan assistance

BOAC, Marinduque — Muling namahagi ng P5,000 loan assistance sa nasa 115 na kababaihan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque, kamakailan. Ayon kay Provincial Administrator Vincent Michael Velasco, ang naturang mga benepisyaryo ay pawang mga miyembro ng 23 grupo na prayoridad na mabigyan ng Provincial Government of Marinduque-Livelihood Assistance Venture for Women o PGM-LAVW. “Patuloy pong nagpupunyagi ang pamahalaang panlalawigan na mabigyan ng pondo ang mga kababaihan para matulungang maiangat ang kalidad ng kanilang pamumuhay,” pahayag ni Velasco. Ang PGM-LAVW ay isang programa na binuo ng tanggapan ni Cong. Lord Allan…