Empleyado ng gobyerno, patay matapos tagain sa Buenavista

BUENAVISTA, Marinduque — Patay sa pananaga ang isang lalaki sa Barangay Bagacay, Buenavista nitong Miyerkules, Nobyembre 23.

Kinilala ang nasawi na si Erwin Salamat, 33 anyos, kawani ng gobyerno at residente ng nabanggit na barangay habang ang suspek ay napag-alamang si Bervic Salvacion.

Batay sa imbestigasyon ng Buenavista Municipal Police Station (MPS), usapin umano sa lupa ang pinagsimulan ng alitan ng dalawa na nauwi sa mainit na pagtatalo.

Bandang alas 11:00 ng umaga kahapon ng matagpuan sa terrace ng kanilang tahanan ang katawan ni Salamat na tadtad ng taga at wala ng buhay.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation ang mga otoridad. — Marinduquenews.com

Related posts