61 mangingisda sa Santa Cruz, tumanggap ng bangkang de-motor

SANTA CRUZ, Marinduque — Umabot sa 61 na mga mangingisda sa bayan ng Santa Cruz ang tumanggap ng bangkang de-motor, kamakailan. Ang pamamahagi ng mga motorized wooden fishing boat na isinagawa sa Matalaba Multi-Purpose Hall ay personal na pinangunahan ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco kasama sina Mayor Marissa Martinez, DOLE-Mimaropa Regional Director Naomi Lyn Abellana at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. “Malaking tulong sa ating mga kababayan ang mga bangkang de-motor na ito lalo na sa mga mangingisda na lubhang napinsala ng nagdaang Bagyong Paeng,” pahayag…