SANTA CRUZ, Marinduque — Isang lalaki ang iniulat na nasawi sa pagkalunod sa isla ng Mongpong, Santa Cruz nitong Biyernes, Marso 10.
Sa ulat ng Santa Cruz Municipal Police Station (MPS), dakong alas 4:30 ng hapon nang malunod sa karagatang sakop ng Sitio Malakondong, Barangay Mongpong sa nasabing bayan ang biktimang kinilalang si Marc Angelo Misamis, 38 anyos, pest control technician at residente ng probinsya ng Laguna.
Ayon sa mga kaibigan ng biktima na kasama sa pagbabakasyon sa isla, habang sila’y nag-iinuman ay naglangoy si Misamis na noon ay nasa impluwensya ng alak hanggang sa napansin nila na nahihirapan na ito sa paglalangoy.
Sinubukan pang iligtas ng dalawang mangingisda kung saan ay dinala pa ang lalaki sa baybayin upang lapatan ng paunang lunas subalit bigo ang mga itong maisalba ang buhay ng biktima.
This story was first published on Marinduque Ngayon