BOAC, Marinduque — Niyanig ng 3.8 na lindol ang probinsya ng Marinduque kaninang 5:39 ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong 031 kilometro Hilagang Kanluran ng Boac dahilan para maramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity I sa nasabing bayan.
May lalim ang lindol na 001 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito kungsaan ay wala naman itong naidulot na pinsala maging sa mga karatig-bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig. — Marinduquenews.com