BOAC, Marinduque — Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Marinduque ay bumilis sa antas na 10.1 porsiyento nitong Pebrero 2023. Sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensiya, tumaas ng 0.8 porsiyento ang presyo ng mga pangunahing bilihin mula sa 9.2 porsiyento na naitala noong Enero. Mula sa mga probinsya na bumubuo sa Rehiyon ng Mimaropa, ikalawa ang Marinduque sa nakapagtala ng pinakamataas na inflation rate nitong Pebrero 2023. Ayon kay Chief Statistical Specialist Gemma…
Day: March 21, 2023
Breakwater sa Mogpog, malaki ang maitutulong sa mga residente
MOGPOG, Marinduque — Malaki ang maitutulong sa mga residente lalo na sa mga mangingisda nang ginagawang breakwater o seawall sa Bayan ng Mogpog, Marinduque. Base sa impormasyong ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Mimaropa Regional Office, ang pamasag-alon na itinayo sa Barangay Argao sa nasabing bayan ay may habang 90 linear meters. Ito ay inaasahang magsisilbing unang linya ng depensa para mapangalagaan ang mga mamamayan ng barangay mula sa pagbaha sa baybayin gayundin ang storm surge na dulot ng masamang panahon kagaya ng bagyo. Bukod sa pagprotekta sa…