Mensahe mula kay Rep. Lord Allan Jay Velasco

Magandang araw po sa lahat ng ating mga minamahal na Marinduqueno!

Ang Mahal na Araw ay isa sa pinakahihintay na okasyon sa Lalawigan ng Marinduque. Napakayaman ng ating kasaysayan at tradisyon na nagtatanghal sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo, at ito ay makikita sa matalinhagang Senakulo, sa kapanapanabik na Moryonan at sa mga institusyong Katoliko sa ating probinsiya.

Gayunpaman, ang Mahal na Araw ay hindi lamang patungkol sa mga palabas at parada. Ito ay higit pa sa pagsusuot ng maskara kaftan. Bagkus, kunin natin ang pagkakataong ito upang ating unawain, ano ba ang diwa sa likod ng ating mga panata?

Sa Panahon ng Kwaresma, marami ang nagsusumamo sa Diyos na pagbigyan ang kanilang mga dalangin. Ang iba naman ay buong-pusong nagpapasalamat sa mga biyayang nakamit sa kabutihan ng Panginoon. Sa harap ng araw-araw nating pamumuhay at pagtugon sa mga pagsubok na dumarating, madalas tao ay nagiging abala sa materyal na bagay at sa mga pisikal na pangangailangan natin upang mabuhay.

Ngunit ngayong panahon ng Kwaresma, kayo ay aking inaanyayahang magnilay-nilay tungkol sa kahalagahan ng sakripisyo ng ating Panginoon upang tayo ay iligtas sa kasalanan. Ang panahong ito ay panahon ng pagpapakumbaba, at pagbabalik-loob sa ating pananampalataya sa Diyos. Ang panahong ito ay pagkilala na tayo ay alikabok na inaangat ng Panginoon sa kanyang wangis at katauhan. Ating samantalahin ang pagkakataong ito na magdasal at magpasalamat na tayo ay nabigyan ng bagong pagkakataon na mamuhay para sa ating kapwa, para sa inang bayan at para sa Diyos.

Ngayong Panahaon ng Kwaresma, magbigay-pugay po tayong lahat sa pag-ibig at sakripisyo ng ating Panginoon. Dahil sa kanyang walang pasubaling pagmamahal sa atin, ibinigay Niya ang kanyang sarili upang tayo ay maligtas sa kasalanan. Ngayong Panahon ng Kwaresma, huwag po nating kalimutang itaguyod ang pamumuhay ng may takot sa Diyos at may pagsisikap na tularan lahat ng katangian at asal na ipinahayag ng ating Panginoon. Lahat po tayo sa lalawigan ay magpakabuti, magpakumbaba at magtiis para sa ating ispiritwal na kapakanan. Inanyayahan po natin ang lahat na magtiwala sa kanyang pagkamahabagin at pagmamahal. Ating taglayin at isabuhay bilang Marinduqueno ang mga katangian na ipinakita sa atin ng Panginoon, ang pagiging mapakumbaba at mapagmahal.

Bilang isang lalawigan na punung-puno ng kasaysayan at kultura, hayaan n’yo rin po akong hikayatin ang ating mga kapwa Pilipino na bumisita sa Marinduque upang makita ang kagandahan ng aming lalawigan at maramdaman ang pagmamahal ng bawat Marinduqueno.

Pagpalain nawa tayong lahat ng Diyos at maraming salamat po!

TOurism

WHAT TO SEE

The best lechon is in Marinduque Island. 

Book and enjoy your stay at The Boac Hotel.

WHERE TO EAT

The island province of Marinduque is underrated. It deserves so much love for the variety of natural, cultural, and historical treasures it harbors.

Moriones Highlights

In Case You Missed It
error: Content is protected !!