Produkto, kultura ng Marinduque, ibinida sa Mimaropa exhibit

MANDALUYONG CITY, Metro Manila – Muling ibinida ng probinsya ng Marinduque ang mga natatanging produkto, kultura at atraksyon nito sa SM Mega Mall, Mandaluyong City sa katatapos lamang na Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) Naturally Agri-Trade and Tourism Fair 2017. Tampok sa exhibit ang mga pagkaing Marinduqueno gaya ng arrowroot cookies, dilis, pastillas, kalamay-hati (coco jam) at mga souvenir shirts na may tatak Marinduque. Bukod pa rito ay ibinida rin ng provincial tourism office (PTO) ang mga atraksyon at magagandang tanawin na makikita sa lalawigan tulad ng Immaculate Conception…

Consumer Congress isinagawa ng DTI kasabay ng Bagwis Awarding

BOAC, Marinduque – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Marinduque ang kanilang 2017 Consumer Congress sa Marinduque State College na may temang Consumer Rights in the Digital Age. Sa congress na ito ay ipinaliwanag ni Carlina B. Josue ng Consumer Protection and Advocacy Bureau ang consumer organization sa mga negosyante. Ayon kay Josue, ang consumer organization ay kinikilala upang matiyak na ang sektor ng mamimili ay mahusay na kinakatawan ng mga lehitimong organisasyon sa mga pagdinig at pagsisiyasat sa paggawa ng patakaran ng pamamahala. Dagdag pa niya, layunin…

Pagpapalakas ng pananaliksik sa MSC, may hatid pag-unlad sa Marinduque

SANTA CRUZ, Marinduque – Sa isinagawang 1st General Consultative Conference of Baybayin ng Marinduque State College (MSC) sa Carmen Eco-Tourism Park, Tamayo, Santa Cruz, Marinduque, sinabi ni Dr. Randy Nobleza, propesor ng MSC na malaki ang maitutulong nito sa pag-unlad ng lalawigan. Ayon kay Nobleza, makakamit ang pag-unlad ng Marinduque kung malalaman nito ang lakas at kakayahan ng bawat bayan ng lalawigan lalo na sa larangan ng edukasyon. “Dahil 2017 ngayon na [ipinagdiriwang ang] ika-65 pagkakatatag ng eskwelahan na ito, simula sa pagiging School of Arts and Trade na naging…

Provincial Athletic Meet sa Marinduque naging matagumpay

BOAC, Marinduque – Pormal nang binuksan ni Dr. Carlito Matibag, Schools Division Superintendent ng Department of Education-Marinduque ang Palarong Panlalawigan 2017 sa Marinduque Expo Site, San Miguel, Boac, Marinduque. Sa pagsisimula ng patimpalak ay nagbigay si Matibag ng pampasiglang pananalita para sa 2,049 na mga atleta mula sa anim na bayan ng lalawigan. “Ang tunay na gintong medalya ay yari sa pawis, dugo, determinasyon at kagustuhang manalo. At ngayon sa kapangyarihang ibinigay sa akin ng Kagawarang ng Edukasyon, pormal kong binubuksan ang Palarong Panlalawigan 2017.” Pinasimulan ang gawain sa pamamagitan…

DOLE namahagi ng gamit pampaaralan sa Gasan, child labour tinalakay

GASAN, Marinduque – Namahagi ng mga gamit pampaaralan ang Department of Labor and Employment (DOLE) – Marinduque sa mga estudyante na nakatira sa barangay Dili, Gasan kasabay ng kanilang pagsasagawa ng diyalogo tungkol sa World Day Against Child Labour. Dumalo rito hindi lamang ng mga bata kundi kasama rin ang kanilang mga magulang upang mapakinggan at malaman kung ano ang mga karapatan ng isang bata na dapat nilang matamasa. Ayon sa DOLE-Marinduque, mayroong sampung karapatan ang isang bata upang makapamuhay ng payak at mapayapa: 1) maisilang at magkaroon ng pangalan…