Alvarez, pinangunahan ang PDP-Laban Membership Seminar at Oath Taking Ceremony

Pinangunahan ni Speaker of the House of Representatives Pantaleon Alvarez ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP-Laban) Basic Membership Seminar at Oath Taking Ceremony na isinagawa sa Marinduque State College (MSC) kamakailan. Inilatag ni Alvarez sa kanyang pananalita ang kahalagahan ng federalismo sa bansa na maaaring maghatid ng makatarungan at pangmatagalang balangkas para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng iba’t ibang pangkat etniko, relihiyon at kultura. Aniya, kung maisasakatuparan ang isinusulong na gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte, bawat estado ay magkakaroon ng kakayanang gumawa ng batas na paiiralin sa kanilang mga nasasakupan. Kasama sa mga…

ASEAN Info Kiosk inilunsad sa Boac, Marinduque

Pormal nang inilunsad kamakailan ng Philippine Information Agency (PIA)-Mimaropa ang ASEAN kiosk sa Casa Real, Boac, Marinduque. Ang paglulunsad ay binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting nila Boac Mayor Roberto Madla at PIA Mimaropa Officer-In-Charge Victoria Asuncion S. Mendoza. Ito ay sinaksihan ng mga kasapi ng Sangguniang Pambayan ng Boac maging ng mga estudyante at guro mula sa Alternative Learning System (ALS). Layunin ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa tulong ng PIA na ipaalam sa mga ordinaryong mamamayan kung ano ang kahalagahan ng ASEAN Integration at paghahanda ng Pilipinas sa…

ASEAN Youth Forum matagumpay na ginanap sa Marinduque State College

Isinagawa kamakailan sa Marinduque State College ang ASEAN Youth Forum sa pangunguna ng Philippine Information Agency-Mimaropa. Tatlong daang estudyante mula sa nasabing paaralan ang dumalo sa forum at karamihan sa mga ito ay mga mag-aaral na kumukuha ng mga kursong education, engineering, information technology, information system, business administration at social work. Sa unang bahagi ng programa ay ipinaliwanag ni PIA-Mimaropa Officer-In-Charge Victoria A.S. Mendoza ang kahulugan at kahalagahan ng ASEAN integration at ang tatlong haligi nito na socio-cultural community, political-security community at economic community. Nagkaroon din ng trivia game tungkol…

MSC, pinapanukalang maging state university

Nagsumite ng panukalang batas si Marinduque Cong. Lord Allan Q. Velasco sa kongreso na nagsusulong na maging state university ang Marinduque State College. Ayon sa House Bill No. 1231, kung sakaling pumasa ang panukalang ito sa kongreso, tatawagin na ang paaralan bilang Marinduque State University (MSU), gayundin ang mga satellite campus nito sa Santa Cruz, Torrijos at Gasan at mananatali pa ring main campus ang nasa bayan ng Boac. Nakasaad din sa panukalang-batas na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagtuturo ng mga programa na nabibilang sa larangan ng science and…

8 estudyante ng MSC, pumasa sa Social Worker Board Exam

Pumasa ang walong produktong mag-aaral ng Marinduque State College sa nakaraang Social Worker Board Examination. Ang mga nakapasa sa board exam ay sina Angela Lora P. Alvarez, Eunina Belle L. Dimagiba, Zaidelyn M. Fabon, Dannie Ann P. Fiedalan, Ruby Anne S. Malvar, Maria Clea S. Mascarinas, Rosielyn N. Nepomuceno and Krystal Gael P. Pelaez. Ayon sa Marinduque State College, sila ay kinikilalang unang pangkat ng paaralan na nakakuha ng lisensya mula sa Professional Regulation Commission (PRC) sa programang Bachelor of Science in Social Work. Nagpaabot naman ng pagbati ang pangulo…