Program on accelerating farm school establishment, tinalakay ng PTESDC

Nagsagawa ng Provincial Technical Education and Skills Development Committee (PTESDC) Meeting ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) tungkol sa Program on Accelerating Farm School Establishment (PAFSE) sa lalawigan ng Marinduque. Layunin ng PAFSE na matiyak ang sapat na kaalaman at kakayahan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng mga bagong kagamitan at entrepreneurial activities na hatid para sa kanila. Gayundin, hangad nilang bumuo ng mga resolusyon para sa TESDA na may kinalaman sa scholarship, Unified TVET (Technical and Vocational Education and Training) Program Registration and Accreditation System at Competency…

Mga eskwelahan sa Torrijos, inaanyayahang lumahok sa Drum and Lyre Competition

Kasalukuyan nang tumatanggap ng kalahok ang pamahalaang lokal ng Torrijos para sa mga eskwelahan na nagnanais sumali sa 2017 Municipal Drum and Lyre Competition. Bukas ang patimpalak na ito para sa mga paaralang elementarya at sekondarya na nasa distrito lamang ng Torrijos na kailangang binubuo ng 45 hanggang 90 miyembro. Paglalabanan ng mga mag-aaral ang piyesang “Ang Labanan sa Pulang Lupa”. Maaari lamang magtagal ang pagtatanghal sa loob nang 12-15 minuto para sa elementarya at 15-20 minuto para naman sa hayskul. Isang puntos naman ang ibabawas sa bawat isang minuto…

History quiz bee, isasabay sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa

Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-117 na Labanan sa Pulang Lupa ay magsasagawa ang pamahalaang bayan ng Torrijos ng isang quiz bee tungkol sa nasyonal at lokal na kasaysayan ng Pilipinas. Ang patimpalak na ito ay bukas para sa mga mag-aaral na nasa elementarya na nasasakupan ng distrito ng Torrijos. Para naman sa mga estudyante na nasa sekondarya, bawat eskwelahan sa buong probinsya ay maaaring magpadala ng kanilang panlaban na binubuo ng dalawang mag-aaral. Pitumpong porsyento ang nakalaan para sa kasaysayan at kasarinlan ng Pilipinas at 30% naman para sa…

Miss Tourism-Marinduque 2017, pasok sa top 16 finalists ng nat’l competition

Kabilang si Princess Anne Noche ng Butansapa, Mogpog sa top 16 finalist ng patimpalak na Miss Tourism Philippines 2017. Ang mga kandidata na pumasok sa top 16 finalist ay mula sa 1) Melbourne, 2) Umingan, Pangasinan, 3) Noveleta, Cavite, 4) Ilocos Sur, 5) Pasig City, 6) Quirino Province, 7) Puerto Galera, Mindoro, 8) Manila, 9) Puerto Princesa, Palawan, 10) San Fernando, Pampanga, 11) San Pedro, Laguna, 12) San Fernando, La Union, 13) Nueva Viscaya, 14) Marinduque, 15) Palawan at 16) Quezon City. Ginanap ang kompetisyon ng pagandahan sa Chardonnay by…

Ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye ipinagdiwang sa Marinduque

Ipinagdiwang ng buong lalawigan ng Marinduque ang ika-117 anibersaryo ng Labanan sa Paye sa Balimbing, Boac noong Hulyo 31. Pinasimulan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng banal na misa kasama ang mga miyembro ng Boy Scout at Girl Scout of the Philippines. Matapos nito ay binigyan naman ng pagpupugay sa pangunguna ni Boac Mayor Roberto Madla ang mga dakilang bayani na nagbuwis ng buhay noong panahon ng labanan sa Paye taong 1900. Binigyan sila ng 21 gun salute ng mga militar sa harapan ng bantayog. Read also: #WalangPasok: Hulyo 31,…