Strategic plan ng bayan ng Boac para sa 2020 inilatag na

BOAC, Marinduque – Inilatag ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Boac ang kanilang mga proyekto na napapaloob sa kanilang strategic plan para sa taong 2020. Ayon sa kanilang local government planner na si Luna Manrique, nakatuon ang pamahalaan ng Boac sa pagpapasigla ng negosyo sa poblacion at mga destinasyon na nais pang pagandahin bilang pampublikong lugar. Ang Municipal Technical Team (MTT) ay nakatuon din sa paghahatid ng mga proyekto para sa mga tao at negosyo sa pamamagitan ng karagdagang pag-unlad ng pampublikong pamilihan, konstruksiyon ng multi-level parking area, pagpapabuti…

Paigtingin ang turismo ng Marinduque sa tulong ng media, payo ng DOT

BOAC, Marinduque – Iminungkahi ni Department of Tourism-Mimaropa Regional Director Danilo B. Intong sa Provinicial Tourism Office (PTO) ng Marinduque na kailangan nilang magtuon sa pagpapalabas ng kagandahan ng lalawigan sa tulong ng social media. Ito ay matapos sumangguni ang Pamahalaang Panlalawigan at PTO kay Intong at sa mga kasapi ng Tourism Development Council (TDC) ng rehiyon upang mabuo ang tourism development master plan na layuning mas maipakilala pa ang natatanging ganda ng probinsya sa mga turista. Sa tingin ng TDC, malaki ang maitutulong kung mas maipapakilala nila ang mga…

Municipal library ng Boac, Marinduque, bukas na para sa mga mag-aaral

BOAC, Marinduque – Pormal ng binuksan nina Mayor Roberto M. Madla at DepEd-MIMAROPA Regional Director Dr. Lorna Digno ang Municipal Library ng Boac sa Casa Real. Ang silid-aklatan na ito ay binubuo ng mga seksyon gaya ng circulation section, periodicals and reference section, Filipiniana at electronic sections. Nagpahayag ng pasasalamat naman si Digno sa lokal na pamahalaan ng Boac dahil malaking tulong umano ito upang mas lalong tumaas ang lebel ng pang-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng babasahin. Hangad din ng direktor na sa pamamagitan ng muling…

CAAP naglaan ng Php 15M para sa konstruksyon ng Marinduque Airport

Naglaan ng Php15 milyon ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para muling maiayos ang Marinduque Airport sa bayan ng Gasan. Ito ay matapos makipag-usap at ilapit ni Congressman Lord Allan Velasco ng Marinduque kay Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang matagal nang nakatigil na operasyon ng nasabing pampaliparan. Read also: Marinduque cong, requested DOTr sec to look into Gasan Airport Ayon sa kongresista, nakatakda nang magsimula ang konstruksyon ng Marinduque Airport bago magtapos ang taong 2017. Dagdag pa ni Velasco, mas mapapadali na sa mga turista at…

P1.7M pondo ng DOLE, ipagpapatayo ng fish cage sa Santa Cruz, Marinduque

Ibinaba mula sa Department of Labor and Employment sa pangunguna ni Assistant Regional Director Sixto “Popoy” Rodriguez ang P1.7 million para sa pagpapatayo ng fish cage sa Brgy. Angas, Santa Cruz, Marinduque. Ayon kay Marjun Moreno, senior labor and employment officer ng DOLE-Marinduque, nais ng kanilang kagawaran na mas mapalakas pa nila ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Santa Cruz bilang kilala ang bayan na ito na “seafoods capital” ng probinsya. Bukod pa rito ay naglalayon din ang kanilang programa na tulungan ang turismo ng Santa Cruz kung saan malapit…