Hydraulic rescue equipment, na-i-turnover na ng WeberRescue sa LGU Marinduque

BOAC, Marinduque – Dumating na ang mga biniling emergency response equipments ng Provincial Capitol sa WeberRescue, isang supplier ng mga hydraulic rescue equipment mula sa United Kingdom. Ayon sa Marinduque Provincial Government, matapos ma-i-tuover ang mga kagamitan, tinuruan naman ng WeberRescue ang mga kinatawan mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at mga empleyado ng Motorpool kung papaano gamitin ang mga ito gaya ng spreaders, cutters, rescue rams at compact power unit. Maliban pa rito ay ipinaliwanag sa kanila ni Hans Griese, facilitator ng emergency response training mula…

Proyektong kapakanang panlipunan sa Marinduque inilatag ng SDC

BOAC, Marinduque — Sa nagdaan na Social Development Sectoral Committee and Annual Investment Program Presentation, tumuon naman ang mga kasapi nito para sa kapakanang panlipunan ng mga Marinduqueno. Sa sector ng pangkalusugan, nais ng Provincial Health Office (PHO) na madagdagan ang mga kagamitan sa mga ospital lalo’t higit ang mga laboratory equipment. Mungkahi rin nila na balak din nila na makapagpalagay sila ng sprinklers para sa Torrijos Municipal Hospital at Sta. Cruz Municipal Hospital bilang tugon sa fire safety guidelines ng Bureau of Fire Protection. Nais din ng PHO na…

Mga proyekto ng EDS sa Marinduque inilatag sa pagpupulong

BOAC, Marinduque – Nagsagawa ng talakayan ang mga kasapi ng Economic Development Sector (EDS) tungkol sa mga mungkahing programa at proyekto para sa taong 2018 SA Marinduque. Ayon sa Marinduque Provincial Government, kabilang sa mga dumalo at naglatag ng kanilang mga plano para sa susunod na taon ay mula sa national government agencies (NGA), local government unit (LGU) at non-government organization (NGO). Bilang miyembro ng Economic Development Sector, ipinakita ng Provincial Veterinary Office (PVetO) sa pangunguna ni Dr. JM Victoria na nais ng kanilang tanggapan na mapataas pa nila ang…

DOLE-Marinduque, magsasagawa ng job fair sa Hunyo 20

BOAC, Marinduque – Sa panayam ng Philippine Information Agency-Marinduque kay Marjun Moreno ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Marinduque sa isinagawang Kapihan sa PIA ay naibahagi niya na magkakaroon ng job fair ang kanilang ahensya sa darating na Hunyo 20 sa gymnasium ng Marinduque State College sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-5:00 ng hapon. Motorcycle at grocery sales agents ay ilan lamang sa mga pwedeng aplayan ng mga aplikante na nais pumunta sa job fair. Kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan pa rin ang DOLE sa iba pang employers sa loob…

Pagsasanay sa produksyon ng pulot sa Buenavista, Marinduque isinagawa ng UPLB

Nagsagawa ng pagsasanay tungkol sa product and development ng pulot ang mga propesor mula sa University of the Philippines Los Banos na dinaluhan ng mga kasapi ng Aktibo ng Nakikilahok sa Ikauunlad ng Barangay Bagacay (ANIB). Sa nasabing pagsasanay sa pangunguna ni Dra. Cleofa Servancia ng Institute of Biological Science ng UPLB, tinuruan dito ang miyembro ng ANIB kung papaano isalin sa panibagong produkto ang mga pulot na naaani nila mula sa mga lukto o “stingless bee”. Ilan kasi sa mga produktong kanilang naibebenta na sa merkado ng Marinduque ay…