BFP-Boac, nagbigay ng mga tagubilin upang maiwasan ang sunog

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Fire Prevention” ngayong buwan ng Marso at upang paigtingin ang ‘information campaign’ ng gobyerno sa pangunguna ng Bureau of Fire Protection (BFP), nakasama natin ang BFP-Boac upang pag-usapan ang mga hakbang na kailangang malaman ng taumbayan para makaiwas sa sunog ang ating mga tahanan o gusali. Narito ang mga tips mula sa Disaster Preparedness and First Aid Handbook na dapat nating isaalangalang: 1) Huwag maninigarilyo sa higaan o kama lalo na pagkatapos uminom o maglasing. 2) Tanggalin ang mga delikadong bagay na maaaring pagsimulan ng…

1st Kalutang Festival sa Marinduque, matagumpay na ipinagdiwang

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lalawigan ng Marinduque, naipakita ng mga mag-aaral mula elementarya ang naipamanang talento sa pagtugtog ng kalutang ni Maestro Tirso Sardena. Bawat pangkat ay nagtanghal ng pagtugtog ng instrumentong kalutang kasama ang kanilang tagapagsanay. Habang suot ang kanilang makukulay na kasuotang kamiso tsino at baro’t saya, tinugtog ng lahat ng kalahok mula sa mga bayan ng Torrijos, Sta. Cruz, Mogpog, Gasan, Boac at Buenavista ang mga piyesang Leron-leron Sinta, Sitsiritsit at isang piling-kanta na nais nilang iparinig. Itinanghal na kampyon ng mga hurado ang Gasan…

Pagtugtog ng kalutang, pasisiglahin sa Marinduque

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-97 na anibersaryo ng kasarinlan ng lalawigan ng Marinduque, muling bubuhayin ng Department of Tourism (DOT)-Marinduque ang pagtugtog ng kalutang, isang instrumento na nagmula at nabuo sa bayan ng Gasan. Sa pakikipagtulungan ng National Commission of Culture and the Arts (NCCA) at Department of Education (DepEd) Marinduque, ninanais ng mga ahensyang ito na ibahagi at ipakalat ang kaalaman ng mga miyembro ng Pangkat Kalutang sa mga mag-aaral ng mababa at mataas na paaralan sa probinsya kung papano tugtugin ang kalutang. Sa pagpapalaganap ng kakayahan sa…

UP MSI, sinuri ang coastal areas sa mga bayan ng Mogpog at Torrijos

Pinuntahan ng mga divers mula sa University of the Philippines Maritime Science Institute (UPMSI) ang mga coastal areas upang mapag-aralan ang kalagayan ng karagatan sa lalawigan ng Marinduque. Partikular na sinuri ng grupo ang mga coastal barangay sa mga bayan ng Torrijos at Mogpog noong Enero 20 hanggang 29, 2017. Nangyari ang pagbisitang ito sa tulong ng People and the Environment: Assessing Reef Fish Resiliency and Associated Livelihoods (PEARRL) na katuwang ang National Assessment of Coral Reefs Environments (NACRE). Nais ding malaman ng grupong ito ang epekto ng pangingisda sa…

Panoorin: MSC binigyang parangal ng Civil Service Commission

Natamo ng Marinduque State College (MSC) sa katauhan ng pangulo ng pamantasan na si Dr. Merian Catajay-Mani ang Maturity Level 2 mula sa Civil Service Commission Region IV-MIMAROPA. Ayon kay Dr. Mani, “I became a good president because I have the best people behind me.” Ang pagkilalang ito ay paraan ng pagbibigay parangal ng PRIME-HRM (Human Resource Management) sa MSC dahil sa kanilang naipamalas na serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagpapatupad ng apat na human resource management system cores: Recruitment, Selection and Placement (RSP); Performance Management (PM); Learning and Development…