May 500 sako ng palay, ipinagkaloob ng DA sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Tinatayang may humigit-kumulang na limang daang sako ng palay ang dumating mula sa Department of Agriculture Regional Field Office MIMAROPA ngayong araw, Enero 19 bilang tulong sa relief operations para sa mga magsasaka sa probinsya. Ang tulong na ipinaabot ay tinanggap ng Provincial Agriculturist Office na inaasahang maipararating sa anim na Municipal Agriculturist Office ng Marinduque. Matatandaan na ang tulong na ito ay isa sa mga ipinangakong ayuda ni Sec. Emmanuel “Manny” Pinol noong bumisita ito sa lalawigan noong ika-4 ng Enero. Photo courtesy of Marinduque Provincial…

Hiling na ipagpaliban ang pagbabayad ng buwis ngayong taon, ikakasa sa SP

BOAC, Marinduque – Nagpatawag ng pagpupulong ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) kasama ang Provincial Treasury Office (PTO) tungkol sa proposal na Condonation of Real Property Tax ngayon taong 2017. Sa isinusulong na resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan, hiniling ng PDRRMC at ng PTO na pahintulutan lalo na ang mga magsasakang Marinduqueño na ipagpaliban ngayong taon ang pagbabayad ng buwis at interes o babaan ang kanilang mga bayarin sa treasurer’s office ng kanilang lokal na pamahalaan. Ang nasabing hakbangin ay makatutulong upang mabawi ng mga mamamayan ang mga nalugi nilang kabuhayan matapos…

Peace and Order Council tinalakay ang POPS Plan para sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Inilatag ng bawat ahensya ng pamahalaan ng Marinduqe sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang mga panukalang programa na naaayon sa Peace and Order and Public Safety Plan (POPS Plan) para sa taong 2017. Sa presentasyon na ipinakita ni Police Superintendent Jose R. Salazar, nakapaloob sa kanilang Three-Year POPS Plan ang mga strategy, expected output at funding requirement kaugnay ng POPS challenges and issues. Sa proposal na tinalakay ni Salazar para sa mga programa ng Peace and Order na aabot hanggang taong 2019, nasa…

Binisita natin ang Marinduque para sa rehabilitasyon -VP Robredo

TORRIJOS, Marinduque – Nasilayan nang personal ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagkawasak ng lalawigan ng Marinduque matapos ang matinding paghagupit ng Bagyong Nina sa probinsya noong nakaraang taon. Ayon sa pangalawang pangulo, ang pagbisita niya sa probinsya ay nakatuon sa rehabilitasyon bukod pa sa mga relief goods na nauna nang naipadala ng kanyang opisina noong Disyembre 29, 2016. Nitong Enero 9, ganap na ika-8:00 ng umaga ay dumating ang bise presidente sa Torrijos Central School sa bayan ng Torrijos upang personal niyang makita ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral…

Kuryente sa 4 na bayan sa Marinduque, naibalik na

BOAC, Marinduque – Nagbalik na ang kuryente sa apat na bayan sa Marinduque dahil sa mga naisayos na service drop wires sa mga nasabing lugar, sa  pakikipagtulungan ng Task Force Kapatid mula Central at Southern Luzon. Binubuo ang Task Force Kapatid ng Pampanga Electric Cooperative I (PELCO I), Pampanga Electric Cooperative II (PELCO II), Tarlac Electric Cooperative I (TARELCO I), Tarlac Electric Cooperative II (TARELCO II), Batangas Electric Cooperative I (BATELCE I), Batangas Electric Cooperative II (BATELEC II) at Romblon Electric Cooperative (ROMELCO). Ayon sa huling post na larawan ng…