70% ng palayan sa Marinduque, napinsala ng bagyong Nina

BOAC, Marinduque – Nag-iwan ng matinding kapinsalaan lalo na sa sektor ng agrikultura ang bagyong Nina na may lakas na Signal no. 4 at nanalasa sa lalawigan ng Marinduque nitong Disyembre 26. Ayon sa iniulat na datos mula sa Provincial Agriculture’s Office (PAO) – Marinduque sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) Meeting na isinagawa kaninang umaga, tinatayang aabot sa 70 porsiyento o may kabuuang 641 ektaryang taniman ng palay ang sinira ng nagdaang bagyo samantalang halos 25 porsiyento naman ng rain-fed na palayan sa buong probinsya ang winasak nito.…

Marinduque, binayo ng bagyong Nina

BOAC, Marinduque – Binayo ng bagyong Nina na may international name na Nock-Ten ang lalawigan ng Marinduque na napabilang sa mga probinsyang itinaas sa Signal No. 4 bandang alas-singko ng umaga nitong Disyembre 26. Sa track na tinahak ng bagyo, pumasok at naglandfall sa ika-apat na pagkakataon sa bayan ng Torrijos si Nina na may dalang malakas na ihip ng hangin at malakas na pagbuhos ng ulan. Nagdulot ng matinding pinsala sa mga pananim at maging sa mga kabahayan ang iniwang bakas ni Nina na matinding ikinalungkot ng mga mamamayan.…