Information caravan ng DSWD, isinagawa sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Nagsagawa ng information caravan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) – Mimaropa nang magtungo ito sa tatlong bayan ng Marinduque; Boac, Mogpog at Santa Cruz kamakailan. Ang caravan na ito ay isinagawa upang makapagbigay ng kaalaman tungkol sa mga programa at serbisyo ng kagawaran. Dahil sa aktibidad ng DSWD ay malayang nakapagtanong ang mga nagsipagdalo kung papaano sila mapabibilang sa mga programa at serbisyo tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Kalahi-CIDSS, Sustainable Livelihood Program, Social Pension for Indigent…

5 pantalan sa Marinduque, nakatakdang isaayos ng DOTr, DPWH

BOAC, Marinduque – Nakatakdang maisasaayos muli ang limang pantalan sa mga bayan ng Boac, Torrijos at Santa Cruz na papangunahan Department of Transportation (DOTr). Ayon kay Rep. Lord Allan Q. Velasco, kinatawan ng Marinduque sa mababang kongreso, may nakalaang P95 milyon ang DOTr sa pagsasaayos ng mga sumusunod na lugar: 1) Barangay Polo at Biga sa Santa Cruz; 2) Barangay Suha at Marlangga sa Torrijos, at; 3) Barangay Laylay sa bayan ng Boac. Bukod sa DOTr ay kasama rin nila sa pagsasagawa ng proyektong ito ang Department of Public Works…

National Heritage Month, ipinagdiwang sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Heritage Month ng bayan ng Boac, nagsagawa ang Municipal Council for Local History Culture and the Arts ng Two-Day Orientation on Cultural Registry. Ipinaliwanag ni Dr. Randy Nobleza, direktor ng Sentro ng Wika at Kultura sa Marinduque State College (MSC) ang mga tangible at intangible traditions (mga nahahawakan at di nahahawakang tradisyon) ng Marinduque. Ayon sa tagapagsalita, mapabibilang sa mga tangible tradition ang mga nahahawak na kagamitan gaya ng maskara ng Moryon at rebulto. Masasabi naman na intangible traditions ang Moriones…

Carbon-Neutral Garden, Oxygen Park, pinasinayaan sa Buenavista, Marinduqe

BUENAVISTA, Marinduque – Sinimulan nang itanim ng mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor ang mga bamboo o kawayan sa isang Carbon-Neutral Garden and Oxygen Park sa barangay Yook, bayan ng Buenavista. Ang pagtatanim ng mga kawayang ito ay pinangunahan ni Eva Celestino mula sa 7Bamboo Farm kasama ang lokal na pamahalaan ng Buenavista at Marinduque State College (MSC).  Ayon kay Celestino, umabot ng limang taon bago nila tuluyang mabuo ang konseptong ito. Layunin nila na gawin ang kanilang lupain bilang eco-agri–tourism race upang magbigay ng serbisyo sa mga…

3 panukalang batas para sa turismo ng Marinduque, ipinasa ng komite

QUEZON CITY, Metro Manila – Inaprubahan ng House Committee on Tourism ang tatlong mga batas tungkol sa ecotourism na pinanukala ni Marinduque Lone District Representative Lord Allan Jay Velasco. Ang tatlong House Bills na may bilang na 7022, 7023 at 7024 ay naglalayong pangalagaan at mapabuti ang lugar na nabibilang sa ecotourism gaya ng munisipalidad ng Santa Cruz, Torrijos White Beach at Luzon Datum. Ayon kay Velasco, layunin ng proyektong ito na mas gawing kaakit-akit ang mga destinasyon na ito na hindi nababago ang porma o anyo nito. Sa presentasyon…