‘Shirtless in public’ bawal na sa bayan ng Boac

BOAC, Marinduque – Ganap nang ipinatutupad sa bayan ng Boac ang ordinansa na nagbabawal sa mga mamamayang lumabas sa pampublikong lugar na walang damit na pang-itaas. Ang kautusan na ito ay naaayon sa Municipal Ordinance No. 2018-237: an Ordinance Prohibiting the Act of Being Half-Naked or Shirtless in Public Places within the Territorial Jurisdiction of the Municipality of Boac’. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ang mahuhuling lumabag nito sa unang pagkakataon ay magmumulta ng P500; para sa susuway sa pangalawang pagkakataon ay…

Mga kasapi ng livelihood program, sinanay sa wastong pagproseso ng karne

BOAC, Marinduque – Sa pakikipagtulungan ng Marinduque State College (MSC) ay nagsagawa kamakailan ng serye ng pagsasanay sa pagproseso ng karne ang Sustainable Livelihood Program (SLP) na dinaluhan ng mga kasapi ng nasabing programa. Ayon kay Pamela Ligas, project development officer ng DSWD-Marinduque, ang mga kalahok mula sa iba’t ibang mga barangay ng Boac ay nagtipon sa food technology laboratory ng MSC. Inimbitahan din ng mga organizers si Nenita Gonzales at Ma. Edelwina Blasé na nagsilbing tagapagsalita para sa pagsasanay. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy…

24 mag-aaral sa Marinduque, pumasa sa programang scholarship ng DOST

BOAC, Marinduque – Sa 8,994 na mga mag-aaral na pumasa sa Science and Technology Undergraduate Scholarship Program (RA 7687) ng Department of Science and Technology (DOST), 24 na estudyante rito ang nagmula sa Marinduque. Ayon sa listahan mula kay Eleazar Manaog ng Provincial Science and Technology Center (PSTC)-Marinduque, may 10 estudyante ang nagmula sa Boac, 5 sa Mogpog, 1 ang galing sa Sta. Cruz, 2 mag-aaral mula sa Torrijos, 5 estudyante ang nagmula sa Buenavista at 1 ang nanggaling sa Gasan. Ang mga estudyanteng ito ay sina James Jerick Bartulo,…

Battle of the Morions, tampok ngayong Mahal na Araw

SANTA CRUZ, Marinduque – Nakatakdang isagawa sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque ang tinatawag na ‘Battle of the Morions’ na isa sa magiging tampok na gawain sa lalawigan ngayong nalalapit na Mahal na Araw. Layunin ng kompetisyong ito na mahikayat ang mga lalahok na makapagbigay ng mensahe sa mga manunood kung ano ang diwa ng Semana Santa na taon-taong isinasagawa sa probinsya sa pamamagitan ng pagsayaw na nalalapatan ng napiling tugtog ng kasaling grupo. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Magiging pamantayan sa…

Pagsusuot ng caftan attire sa panahon ng Kuwaresma, pinagtibay sa Marinduque

BOAC, Marinduque – Isinulong ng pamahalaang panlalawigan ng Marinduque ang pagsusuot ng caftan attire gaya ng pang-Samaritana sa mga ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan. Ang Executive Order No. 4 Series of 2018 na pinamagatang, “An Order Requiring the Donning or Wearing of Caftan Attire which Starts on Ash Wednesday and During the Lenten Season” ay nilagdaan at ipinagtibay upang mas lalong maipakilala at mapagtibay ang pagdiriwang ng Kuwaresma at Moriones sa panahon ng Mahal na Araw sa Marinduque. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy…