National TVET Enrolment and Jobs Bridging, isinagawa sa MSC

BOAC, Marinduque – Dinala ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Marinduque sa mga mag-aaral ng senior high school ng Marinduque State College (MSC) ang kanilang mga kurso na nabibilang sa Technical-Vocational Education and Training (TVET) bilang pakikiisa sa TESDA National TVET Enrolment and Jobs Bridging. Kasama ng mga kursong dinala ng ahensya na pwedeng kunin ng mga estudyante ay ang scholarship grants na pwede nilang mapakinabangan kung papasok sila sa programang TVET at mga bukas na mga trabaho mula sa 12 employer na maaaring pasukan ng mga nakapagtapos na…

Mga estudyanteng Boakeno, nakiisa sa paligsahan ng pagpinta ng maskarang Moryon

BOAC, Marinduque – Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Sining, nagsagawa ang lokal na Pamahalaang Bayan ng Boac ng kompetisyong tinatawag na ‘Sabay-sabay na Pagpinta ng Maskarang Moryon’ sa Boac Covered Court. Ang nasabing paligsahan ay naging bukas sa lahat ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo na nabibilang sa distrito ng Boac. Ang mga maskarang yari sa pinagpatung-patong na papel ay inilaan ng LGU Boac samantalang ang mga estudyante naman ang nagdala ng kanilang sariling kagamitan gaya ng paint brush, tubig, latex paints at diaryo. Ang mga sumusunod…

TESDA Marinduque, namahagi ng toolkits at tulong pinansyal sa 100 mag-aaral

BOAC, Marinduque – Tumanggap ang 100 estudyante ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Marinduque ng toolkits at support fund mula sa programang Special Training for Employment Program (STEP). Ang mga tumanggap ng welding helmets at welding machines ay nagmula sa Marinduque Training Institute na binubuo ng 25 mag-aaral na kumukuha ng kursong Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II at 75 estudyante na kumukuha ng kursong Shield Metal Art Welding (SMAW) NC I sa Top Global Skills Manpower Development Center, Inc. Ang STEP na pinondohan ni Sen. Loren Legarda…

Paggamit ng social media, paksa ng talakayan sa MNHS

BOAC, Marinduque – Pinangunahan ng Rotaract Club of Lucena South (RACLS)-3820 ang kanilang proyekto na may kinalaman sa pagtuturo ng wastong paggamit ng social media sa mga mag-aaral mula sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo. Ang proyektong isinagawa ng RACLS ay pinamagatang #EdukAksyon: A Lecture on Proper Use of Social Media and Gift-Giving of Studio Equipment. Naging katuwang ng RACLS ang Philippine Information Agency (PIA)-Marinduque sa talakayang isinagawa. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ang diskusyon sa mga estudyante na kabilang sa eskwelang…

RAC Lucena South, namahagi ng studio equipment sa MNHS

BOAC, Marinduque – Tumanggap ng studio equipment ang mga mag-aaral na nabibilang sa Special Program for the Arts (SPA) ng Marinduque National High School (MNHS). Ito ay matapos ipamahagi ng Rotaract Club of Lucena South (RACLS)-3820 ang mga kagamitan gaya ng green screen, studio clapper, light reflector at softbox flash softy diffuser. Ang mga kagamitang ito ay makatutulong sa mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga film na nais nilang gawin at ilaban sa kompetisyon. #MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera Ayon kay…