RAC Lucena South, isinagawa ang pagpapanumbalik-sigla ng Boac River

TANZA, Boac – Pormal nang pinasimulan ng Rotaract Club of Lucena South (RACLS)-3820 ang kanilang proyektong tinatawag na “Bamboohayin Muli: A Fusion Exertion to Rehabilitate the Boac River” sa Tanza, Boac. Ang proyektong ito ay dinaluhan ng mga kabataang lider mula sa Don Luis Hidalgo Memorial School (DLHMS), Marinduque National High School (MNHS) at Marinduque State College (MSC) na kung saan ay nakapagtanim ang mga ito ng 20 kawayan na nagmula sa Department of Health (DOH)-Mimaropa na pinangangalagaan ng MSC. Layunin ng proyektong ito na mapagtipon-tipon ang mga kabataang lider…

‘New to the World Products’ ng Marinduque, ipinakilala na ng DOST

MOGPOG, Marinduque — Ipinakilala na ng Department of Science and Technology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang kanilang tinatawag na ‘New-to-the-World Products’. Ang mga produkto na tinutukoy ng DOST-PSTC ay ang vacuum fried dilis, malunggay crackers at coconut candy. Ayon kay Eleazar Manaog ng DOST-PSTC, bukod sa mga pamilihan sa Marinduque ay iniaangkat na rin nila ang vacuum fried dilis sa labas ng probinsya samantalang ang malunggay crackers at coconut candies naman ay pansamantalang sa Marinduque lang muna mabibili lalo na sa mga paaralan. Upang makagawa ng mga produktong…

Mababang bilang ng mga biktima ng paputok, napanatili ayon sa DOH Marinduque

BOAC, Marinduque — Sa pagsalubong sa bagong taon sa Marinduque, napanatili ng Department of Health (DOH) ang mababang kaso ng biktima ng paputok sa lalawigan. Ayon kay Delbert J. Madrigal, Development Management Officer ng DOH-Marinduque, nakapagtala lang muli ng tatlong biktima ng paputok ang kanilang ahensya kung saan ay dalawa ang lalaki at isa ang babae gaya rin ng bilang na kanilang naitala noong 2017. Nangunguna pa rin sa listahan ng mga paputok na madalas gamitin ng mga biktima ang lucis, piccolo at baby rocket. Sa nakitang obserbasyon ng DOH-Marinduque,…

21 estudyante ng Marinduque State College pumasa sa scholarship ng DOST

BOAC, Marinduque — Inilabas na ng Department of Science and Technology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang mga pumasa sa 2017 Junior Level Science Scholarship (JLSS). May bilang na 21 mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) ang nabigyan ng pagkakataon na mapasama sa nasabing scholarship. Pitong estudyante ang nagmula sa Boac, anim sa Mogpog, dalawa sa Sta. Cruz, dalawa sa Torrijos, isa sa Buenavista at tatlo sa Gasan. Ang mga mag-aaral na nabibilang dito ay sina: Avegail Luz Banega, Ellaine Martillano Jalos, Rose Ann Jandusay Llave, Ronamel Sapalaran…

Index crime rate sa Marinduque, bumaba

BOAC, Marinduque — Ayon sa Comparative Crime Statistics na inilabas ng Philippine National Police ng Marinduque kamakailan, iniulat na bumaba ang bilang ng krimen na nangyari sa lalawigan makalipas ang isang taon. Ayon sa Marinduque Police Provincial Office (MPPO), may 15 na bilang na pagbaba sa index crime simula sa Enero – Nobyembre 2017 kumpara sa bilang na naitala noong 2016. Read also: Gasan police, continuously campaigning ‘Project Double Barrel’ Ayon sa talaan ng MPPO, ang bilang sa index crime na kanilang naitala ay binubuo ng mga sumusunod: murder-3, homicide- 2, physical…