Inflation rate sa Marinduque, lumobo sa 10.1%

BOAC, Marinduque — Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa Marinduque ay bumilis sa antas na 10.1 porsiyento nitong Pebrero 2023. Sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensiya, tumaas ng 0.8 porsiyento ang presyo ng mga pangunahing bilihin mula sa 9.2 porsiyento na naitala noong Enero. Mula sa mga probinsya na bumubuo sa Rehiyon ng Mimaropa, ikalawa ang Marinduque sa nakapagtala ng pinakamataas na inflation rate nitong Pebrero 2023. Ayon kay Chief Statistical Specialist Gemma…