Lalaki patay sa pamamaril sa Santa Cruz

SANTA CRUZ, Marinduque – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang driver ng hindi pa nakikilalang salarin habang kinukumpuni ang preno ng kanyang minamanehong truck sa bayan ng Santa Cruz malapit sa Public Market, Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktima na si Ulysses Malabana, 39 taong gulang, may asawa at nakatira sa Sitio Sampalukan, Buyabod. Base sa inisyal na imbestigasyon, napag alaman na may lumapit umanong isang lalaki na naka suot ng helmet at kunwari ay nagtanong subalit ilang sandali lamang ay biglang pinaputukan ng apat na beses ang biktima. Pagkatapos…