STA. CRUZ, Marinduque – Masisilayan na ang higanteng Christmas Tree sa bayan ng Sta. Cruz, Marinduque. Ito ay nakatayo malapit sa pamilihang bayan ng Sta. Cruz. Ang White Christmas Tree na ito ay yari sa mga recycled materials kagaya ng platic bottles at iba pa na pininturahan ng mga kulay puti, gold at silver. Inaasahan na lalagyan pa ito ng mga ilaw sa susunod na mga araw na siyang lalong magpapaganda dito.
Author: Reijohn R. Mendones
Trick or treat halloween sa bayan ng Torrijos
Hindi rin nagpahuli ang mga chikiting sa trick or treat halloween activity na isinagawa sa bayan ng Torrijos nitong Oktubre 30. Sinimulan ang programa ganap na alas-3:00 ng hapon sa pamamagitan ng parada. Panoorin ang iba pang larawan, by clicking here. Photo courtesy of Toper Matienzo
Hand tractors, ipinagkaloob sa 7 barangay sa bayan ng Torrijos
TORRIJOS, Marinduque – Ang pamahalaang bayan ng Torrijos sa ilalim ng programa ng Bottoms Up Budgeting (BUB) ay nagkaloob ng pitong ‘hand tractors’ sa mga magsasaka nitong Oktubre 24, 2016. Ang mga barangay na nakatanggap ng ‘hand tractors’ ay ang Marlanga, Mabuhay, Poctoy, Malinao, Cabuyo, Kayduke at Bonliw. Pinangunahan ni Mayor Lorna Velasco ang simpleng seremonya na dinaluhan ng mga kawani mula sa Department of Agriculture. Sinaksihan din ng ilang opisyal ng pamahalaang bayan at mga punong barangay ang ‘turn over ceremony’.
Estudyante mula Makapuyat Nat’l HS, kampeon sa province-wide ‘History Quiz Bee’
TORRIJOS, Marinduque – Kampeon sa taunang province-wide History Quiz Bee – Secondary Level category si Erraine Jamilla, mag-aaral mula sa Makapuyat National High School – Sta. Cruz. Naiuwi naman ng mga kalahok mula sa Torrijos at Gasan ang sumunod na mga parangal. Ang paligsahan na isinagawa sa plaza ng bayan ng Torrijos ay naglalayong hikayatin at linangin pang lalo ng mga mag-aaral ang kanilang kaalaman patungkol sa kasaysayan. Ang gawain ay dinaluhan ng mga piling mag-aaral mula sa anim na bayan ng lalawigan. Bahagi pa rin ito ng ika-116 Anibersaryo ng Laban…
22nd Provincial Scout Jamborette sa Torrijos, pormal nang sinimulan
TORRIJOS, Marinduque – Pormal nang binuksan at sinimulan ang 22nd Provincial Scout Jamborette ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) – Marinduque Council na may temang “Growth and Stability” nitong Sabado, Setyembre 10 sa Poblacion, Torrijos, Marinduque. Inilaan ng lokal na pamahalaan ng Torrijos bilang host town ang Torrijos Central School para maging camp site ng mga cub scouts, boy scouts, senior scouts, female scouts, at scout leaders. Ang mga lumahok ay mula sa anim na bayan ng Marinduque – Boac, Buenavista, Gasan, Mogpog, Sta. Cruz at Torrijos. Sinimulan ang…