No. 1 most wanted sa Gasan, arestado

GASAN, Marinduque – Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang tinaguriang no. 1 most wanted person sa Gasan, Marinduque. Kinilala ito na si Melanio Rioflorido Malvar, 56-anyos, residente ng Brgy. Bangbang ng nasabing lugar. Ayon sa report, nahuli ang suspek sa Brgy. Quinabigan, Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong Agosto 22, matapos ang isinagawang “Oplan Pagtugis” ng pinagsanib na pwersa ng Gasan Municipal Police, CIDG Mimaropa Region, RSOT, CIDG Oriental Mindoro, Detective and Special Operation Unit (DSOU) at Torrijos Municipal Police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge…

Kababayan mula sa Torrijos, ating suportahan sa ‘The Voice Kids’

TORRIJOS, Marinduque – Suportahan natin ang ating kababayang si Ragen Angel Penaflor sa kanyang pagsabak sa live semi-finals ng The Voice Kids Philippines ngayong Sabado at Linggo, Agosto 20-21. Ang pamilya ni Angel ay tubong Matuyatuya, Torrijos, Marinduque at ngayon ay naninirahan sa Laguna. Matatandaan na umikot si coach Sharon at coach Lea ng awitin nito ang kanyang rendition ng ‘Starting Over Again’ sa blind audition ng The Voice Kids Philippines Season 3 noong Hulyo 9, 2016. “Angel is the right name for your voice. Your voice is like an…

Velasco meets Marelco and DENR officials

BOAC, Marinduque – Congressman Lord Allan Q. Velasco, Representative of the Lone District of Marinduque met the officials of Marinduque Electric Cooperative (Marelco) and Department of Environment and Natural Resources (DENR) on August 18, 2016 to discuss his plans and projects for the province. In a Facebook account of Congressman Velasco, he posted “After my meeting with the board and officers of Marelco discussing the power situation in Marinduque, I went directly to a working lunch with DENR officials to discuss my planned and proposed projects for Marinduque and of…

Padyak Kontra Droga ng PNP-Marinduque, mamaya na

BOAC, Marinduque – Magsasagawa ang PNP-Marinduque sa pakikipagtulungan ng React Moriones Group ng Bike Fun Ride: “Padyak Kontra Droga” ngayong araw ng Biyernes, Agosto 19, 2016 alas 4:00 ng hapon. Ang assembly area ay sa harap ng Camp Maximo Abad, Brgy. Bangbangalon, Boac, Marinduque. Ito ay kaalinsabay ng pagdaraos ng ika-115 Police Service Anniversary Celebration na pangungunahan ni PSSUPT Alessandro C. Abella, OIC-PD, MPPO kasama ang buong pwersa ng PNP-Marinduque. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan kay PSI Carmelo S. Alino o tumawag sa mga numerong +63908-302-5166.

Isang mangingisda, nawawala sa Marinduque

GASAN, Marinduque – Sa huling tala na iniulat ng NDRRMC, isang mangingisda ang nawawala sa Marinduque matapos itong pumalaot noong kasagsagan ng habagat. Kinilala ang mangingisda na si Ruben Pahilagmago, 57 taong gulang at naninirahan sa Brgy. Bognuyan, Gasan, Marinduque. Ayon sa report, dakong alas 7:00 ng umaga nitong Agosto 8 nang umalis sa kanilang tahanan si Ruben upang pumalaot sa baybayin ng Gasan sakay ng isang bangkang de motor. Subalit mga bandang alas 3:00 ng hapon noong araw ding iyon, natagpuan ang bangka na kanyang sinakyan sa pagitan ng karagatan…