Velasco, hiniling sa DOTr ang pagsasaayos ng Marinduque Airport

Nagkausap sina Marinduque Cong. Lord Allan Velasco, Department of Transportation Undersecretary Bobby Lim at ilang opisyales ng DOTr nitong ika-5 ng Oktubre sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Idinulog ng mambabatas sa DOTr ang kasalukuyang kalagayan at posibleng solusyon sa pagsasaayos ng Marinduque Domestic Airport. Ayon sa Facebook post ni Velasco “The Marinduque airport rehabilitation has been put on hold due to difficulties of the contractor to source aggregates for the project. The shutdown of the airport brought loss of livelihood and tourism opportunities for the province of Marinduque.” Matatandaan na…

Ex-mayor Briones patay, sa banggaan ng motor at bus sa Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Idineklarang wala nang buhay ang dating mayor at ngayo’y konsehal ng bayan ng Torrijos, Marinduque na si Coun. Gil Briones ito ay matapos na mabangga ang kanyang sinasakyang motorsiklo ng isang pampasaherong bus bandang alas-6:40 ngayong umaga, Oktubre 6, 2016. Ayon sa panayam ng Marinduque News Online kay Police Inspector Mikhail Gennadi Valeroso, Officer in Charge ng Torrijos Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa tapat ng sementeryo ng nasabing bayan. Bumisita diumano ang ex-mayor sa puntod ng asawa nito at noong pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo…

Lalaki sa Boac na umano’y tulak ng shabu, huli sa buy bust

BOAC, Marinduque – Nahuli sa Boac, Marinduque ang isang lalaking tulak umano ng ipinagbabawal na droga. Naaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya nitong Huwebes, Setyembre 29, 2016 bandang alas 2:40 ng hapon si Alexander Calingasan dela Rosa kilala sa tawag na Alex, apatnapu’t anim na taong gulang at residente ng Barangay Bantad Boac, Marinduque. Narekober mula sa suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang timbang na 0.1342 gramo at may street value na Php 3, 000.00, mga cellphones at isang libong piso na…

Former Sen. Miriam Defensor Santiago pumanaw na, 71

Kinumpirma ni dating DILG Usec. Narciso “Jun” Santiago na pumanaw na ang kaniyang asawang si dating Sen. Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay ginoong Santiago, nasa isang private room ang dating mambabatas nang ito ay bawian ng buhay. Hindi muna nagsiwalat ng iba pang detalye ang pamilya dahil abala pa raw sila sa pagsasa-ayos ng labi ng senadora. Ang mambabatas ay dati nang natukoy na may lung cancer. Source and courtesy: Bombo Radyo