Dating gobernador ng Marinduque, nagdiwang ng kaarawan

Nagdiwang ng kanyang ika-68 kaarawan noong Hunyo 19 ang dating gobernador ng Marinduque na si Jose Antonio “Bong” N. Carrion. Si Bong Carrion ay nahalalal bilang gobernador ng lalawigan noong 1995 hanggang 1998. Muling kumandidato sa pagkagobernador noong 1998, 2001 at 2004 subalit hindi pinalad na manalo. Matapos ang siyam na taon, muling nahalal sa pagkagobernador si Carrion noong 2007 Legislative and Local Elections.

Mga buhawi, namataan sa Gasan

Tatlo hanggang apat na mga buhawi o ipu-ipo (water-spout) ang namataan ng mga residente sa bayan ng Gasan, Marinduque. Nagpaikut-ikot ang nasabing mga buhawi sa pagitan ng Tres Reyes Islands at Gasan mga bandang alas onse hanggang alas dose ng tanghali kahapon, Hunyo 22 matapos ang isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill. Ang buhawi, alimpuyo, tornado, o ipu-ipo ay isang biyolente, mapanganib at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na kumulonimbus o sa hindi kadalasang pagkakataon, sa paanan ng isang…

Happy Father’s Day Papa, Ama, Tatay, Itay, Daddy at Erpat

Ika’y naging matibay, nagsilbing haligi ng bahay, pagmamahal mo ay tunay, inaalay ang buhay. Mapagmahal mong mga kamay ang matapang na umaalalay, alagang walang kapantay, walang kapalit na hinihintay. Ikaw ang aking superhero na magtatanggol sa mundo, ikaw ang aking idolo na ipagmamalaki kahit kanino, ikaw ang aking payaso sa tuwing nalulungkot ako, ikaw ang bumubuo ng aking simpleng pagkatao. Pagod ay ‘d mo nararamdaman kahit hapo na ang katawan, takot ay kinakalaban para lamang ako ay protektahan. Madalas mong kalimutan ang mga pansariling kasiyahan, ikaw ay talagang maasahan sa…

Dalawang bata sa Brgy. Aturan, Sta. Cruz, nalunod sa ilog

Nalunod sa ilog ang dalawang batang lalaki na may edad apat at limang taong gulang sa Barangay Aturan, Sta. Cruz, Marinduque kahapon Hunyo 15 bandang alas sais ng gabi. Nakita ang mga bata na wala ng buhay habang magkahawak kamay sa ilog na malapit sa kanilang tahanan. Nagsagawa na ng Post Mortem Examination si Dr. Tito Rejano kasama ang Sta. Cruz, Marinduque – Philippine National Police. Ayon kay Dr. Rejano, “Nalunod ang mga bata (magpinsan) sa ilog na matatagpuan sa Sitio Ibaba na kung tawagin ay Kabo. Ang ilog ay…