Kasabay ng pagbisita ng Buenavista Municipal Police Office sa kanilang mga nasasakupang barangay ngayong araw, Hunyo 23, nagsagawa rin sila ng diyalogo at pamamahagi ng mga flyers kaugnay ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act. Gayundin, nagpaaalala ang kagawaran ng pulisya sa pagpapalaganap at implementasyon ng pambayang ordinansa patungkol sa curfew.
Author: Romeo A. Mataac, Jr.
Marinduque Provincial Police, nagsagawa ng coastal clean up
Nagsagawa ng Coastal Clean up Drive ang Marinduque Provincial Police Office sa Brgy. Balaring, Boac, Marinduque ngayong araw, Hunyo 23.
Dating gobernador ng Marinduque, nagdiwang ng kaarawan
Nagdiwang ng kanyang ika-68 kaarawan noong Hunyo 19 ang dating gobernador ng Marinduque na si Jose Antonio “Bong” N. Carrion. Si Bong Carrion ay nahalalal bilang gobernador ng lalawigan noong 1995 hanggang 1998. Muling kumandidato sa pagkagobernador noong 1998, 2001 at 2004 subalit hindi pinalad na manalo. Matapos ang siyam na taon, muling nahalal sa pagkagobernador si Carrion noong 2007 Legislative and Local Elections.
Mga buhawi, namataan sa Gasan
Tatlo hanggang apat na mga buhawi o ipu-ipo (water-spout) ang namataan ng mga residente sa bayan ng Gasan, Marinduque. Nagpaikut-ikot ang nasabing mga buhawi sa pagitan ng Tres Reyes Islands at Gasan mga bandang alas onse hanggang alas dose ng tanghali kahapon, Hunyo 22 matapos ang isinagawang National Simultaneous Earthquake Drill. Ang buhawi, alimpuyo, tornado, o ipu-ipo ay isang biyolente, mapanganib at umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na kumulonimbus o sa hindi kadalasang pagkakataon, sa paanan ng isang…
Cong. Velasco of Marinduque, Live on UNTV
Congressman elect Lord Allan Velasco of the Lone District of Marinduque was interviewed today, June 20, 7:00 am to 8:00 am by one of the finest journalist and media personality in the country Kuya Daniel Razon on his program “Get It Straight with Daniel Razon” in UNTV. Interview with Velasco starts from 30:31. Here’s the full video.