Marinduque on spotlight sa SMX Mall of Asia

Bisitahin ang booth at entry ng Marinduque sa 27th Philippine Travel Mart ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) sa SMX Convention Center, Halls 1, 2, 3 and 4, Seashell Lane, Mall of Asia Complex, Pasay City na nagsimula noong ika-2 ng Setyembre at magtatapos hanggang sa ika-4 ng Setyembre 2016. Matatandaan na noong isang taon, ay nakiisa rin sa nasabing gawain ang Provincial Government of Marinduque na naging daan upang matanggap ng probinsya ang award bilang “Philtoa Most Visited Booth 2015” kaya naman ngayong taon, ang booth ng Marinduque ang…

1 patay, 2 kritikal sa ‘motor accident’ sa Mogpog

MOGPOG, Marinduque – Patay ang isang lalaking nakamotor samantalang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawang backride nito matapos na bumangga sa poste ng Marelco ang kanilang sinasakyang Yamaha motorcycle. Nangyari ang aksidente kaninang alas 5:15 ng hapon sa Brgy, Nangka 1, Mogpog, Marinduque. Ayon sa panayam ng Marinduque News Online sa chief investigator ng Mogpog Police Station, kinilala ang nasawi na si Joseph Labaguis, male, 17 years old habang ang dalawa pang biktima na nasa malubhang kalagayan at isinugod sa Marinduque Provincial Hospital ay kinilalang sina Joshua Requillas, male,…

Marinduque, niyanig ng magnitude 2.8 na lindol

STA. CRUZ, Marinduque – Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 2.8 ang Marinduque kanina, Agosto 24. Naramdaman ang lindol alas 8:22 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Ang sentro ng lindol ay natunton 13.53°North, 122.01°East – 006 km N 15° West ng Santa Cruz, Marinduque at may lalim itong isang kilometro. Naramdaman din ang pagyanig sa hilagang-silangang bahagi ng Sta. Cruz at mga islang malapit dito. Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar. Source: Philippine Institute of Volcanology and Seismology

No. 1 most wanted sa Gasan, arestado

GASAN, Marinduque – Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang tinaguriang no. 1 most wanted person sa Gasan, Marinduque. Kinilala ito na si Melanio Rioflorido Malvar, 56-anyos, residente ng Brgy. Bangbang ng nasabing lugar. Ayon sa report, nahuli ang suspek sa Brgy. Quinabigan, Pinamalayan, Oriental Mindoro nitong Agosto 22, matapos ang isinagawang “Oplan Pagtugis” ng pinagsanib na pwersa ng Gasan Municipal Police, CIDG Mimaropa Region, RSOT, CIDG Oriental Mindoro, Detective and Special Operation Unit (DSOU) at Torrijos Municipal Police sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge…