Philippine long-tailed macaque, na-rescue sa Poctoy White Beach

TORRIJOS, Marinduque – Isang unggoy o Philippine long-tailed macaque (Macaca fascicularis philippinensis) ang na-rescue sa Poctoy White Beach sa bayan ng Torrijos. Ayon kay Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian ng Marinduque, boluntaryong isinauli ng tagapangalaga ang nasabing hayop sa Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team (MAWRERT), Biyernes ng hapon. Napag-alaman ng Marinduque News mula kay Dr. Victoria na kapag may nakita o namataan na kahalintulad na uri ng hayop lalo na iyong tinatawag na mga ‘endangered species’, dapat itong ipagbigay alam agad sa MAWRERT sa mga numerong 0939-910-0115.…