Labi ni Gov. Reyes, dadalhin sa Marinduque sa Huwebes

BOAC, Marinduque – Nakatakdang dumating sa Balancan Port, Mogpog ang mga labi ni Gov. Carmencita Reyes sa Huwebes, Enero 10 ganap na alas 7:00 ng umaga. Agad itong dadalhin sa Boac Cathedral para sa banal na misa sa ganap na alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali. Pagsapit nang ala-una ng tanghali ay ililipat ang mga labi ng gobernadora sa Provincial Capitol Lobby para sa Necrological Service. Apat na oras mananatili roon si Reyes upang makapagbigay ng huling respeto ang mga kawani ng pamahalaang lokal at mga kababayang…

Gov. Reyes, inalala ng kanyang mga kaibigan at kababayan

BOAC, Marinduque – Sa pagpanaw ng itinuturing na nanay ng Marinduque na si Gov. Carmencita Ongsiako-Reyes nitong Lunes ng umaga, Enero 7, dahil sa ‘stomach aneurysm’, bumuhos sa social media ang pakikiramay ng ilang kilalang personalidad kagaya nina Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay, Cong. Lord Allan Jay Velasco, Billy Andal at iba pa. Nagpaabot din ng pakikiramay ang mga Marinduqueno na lubos na nagdadalamhati sa biglaang pagkawala ni Reyes na kinikilalang ‘longest serving leader’ sa probinsya.